Ano nga ba? (Entry # 9)

“Why do you wear what you wear?”

Matagal-tagal na rin simula noong nahilig ako sa mga damit o sa fashion. Lagi akong nag-iipon para lang makabili ng mga bagong damit. Pero oo nga ‘no? Bakit ko  nga ba sinusuot ang mga siinusuot ko? Kahit kailagan hindi ko ito natanong sa aking sarili. Basta ang alam ko lang, gusto kong bumili ng damit at suotin ito.

Habang tinatalakay namin ang naturang paksa, napapaisip ako. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ganito ang istilo ko?

Magsimula tayo noong bata pa lamang ako. Tanda ko pa yung mga panahong lagi lang ako naka pantalon, blouse, at rubber shoes sa tuwing pupunta kami sa mall ng pamilya. Hangga’t maaari ayaw ko nakashorts. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil na rin kinamulatan ko na ang tagubilin sa pagsamba na bawal ang maiikling palda o dress sa tuwing pupunta sa Kapilya kaya hanggang sa mga pag-alis ng pamilya, dala-dala ko ang bilin na ito.

Paglipas ng ilang mga taon, highschool ako ng matuto ako magsuot ng shorts sa tuwing aalis. Tanda ko pa na unang beses ko itong ginawa sa isang children’s party na pinuntahan namin nina mama. Yung mga oras na yun, pakiramdam ko nakawala na ako sa mundo ng pagiging bata. Pakiramdam ko isa na akong ganap na dalaga. Ito na siguro ang isa sa aking mga rites of passage.\

Moving on, habang tumatagal unti-unti kong nalalaman ang aking istilo sa pananamit. Nagustuhan ko ang kulay itim, nagawa ko nang mageye-liner at maglipstick. Dumating din ang panahong bumilil ako ng mga chocker necklaces at spike bracelets. Oo, nagustuhan ko ang medyo rock girl style na pananamitPakiramdam ko, ito ang pinakabagay na ekspresyon ng aking sarili pero syempre hindi pa rin nawawala ang pagiging conservative ko kaya may pagtotone down pa rin na nangyayari. Ayaw ko rin naman kasi ng agaw-atensyon.

Ngayong ako’y nasa kolehiyo na, nag-aayos ako ng aking sarili base sa gusto kong maging aura sa partikular na araw na iyon. Minsan kung gusto kong maging cute tingnan (lalo na kapag may chance na makikita ko si crush loljk), pumipili ako ng mga damit na medyo may florals tapos itinatali ko ang aking buhok ng parang kay pucca 🙂 Pero most of the time, hindi ko inaalis sa aking sarili na gusto kong magmukha pa ring strong independent woman kung kaya’t hanggga’t maari pumipili ako ng mga damit na kulay itim pa rin at yung malakas pa rin ang dating. Although, may times din na kapag sobrang pagod hindi ko na nagagawang makapamili pa ng susuotin. Basta kung ano na lang ang aking makita, yun na yun.

Batay sa aking mga nalaman at natutunan, masasabi kong marami ang mga dahilan o factors na nakaiimpluwensya sa ating istilo ng pananamit ngunit ano man ang mga ito, ang mahalaga ay alam ko sa sarili ko na masaya ako sa aking paraan ng pananamit at wala akong naaapekang tao dahil dito.

 

Advertisements

Pilipinas bilang isang Voodoo Doll (Entry #8)

Ilang araw, ilang linggo ko na ring pinag-iisipan, “Ano bang gusto kong mangyari?” Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang daming pwedeng gawin, ang daming DAPAT gawin. Unang-una na rito ay ang aking concept board. Dito pa alng ay masasabi kong ang dami ko nang ginugol na oras, panahon, ink ng printer pero bakit tila hindi nagiging sapat palagi ang aking nagagawa? Ang totoo niyan, naka-apat na ulit na ako. Nakakalungkot nga lang na kahapon (Linggo, Oktubre 1) ko lang naisip ang ika-apat. Bale, yung pangatlo ang aking napasa bilang revised concept board.

Ilang araw ko ring inisip ano ba ang pinakapokus ko sa aking gagawing koleksyon? Sabi ko, gusto kong ilahad ang mga nangyayaring karahasan patungkol sa nangyayaring giyera kontra droga. Base sa aking pagsasaliksik, napagtanto ko na ang plataporma na ito ay nagpapakita ng pagkakaroon ng dalawang panig, ang mahihirap laban sa gobyerno.

Kapansin-pansin na ang mga natotokhang lamang ay yung mga taong nakatira sa slums. Walang sabi-sabi, walang due process, baril agad! Ang nakakagalit pa ay kitang-kita ang effort ng pulisya na pagtakpan ang kanilang mga ginawa sapagkat paiba-iba ang salaysay na kanilang sinabi.

Para tayong naging voodoo doll. Walang anu-ano’y tutusukin ng karayom, sisilaban sa apoy, oorasyunan, papasukahin ng mga kadiring bagay, igagapos, o ‘di kaya’y papatayin. Walang pinagkaiba sa ginagawa sa mga Pilipino ngayon.

Eto, dito ko gudto magpokus. Ang sambayanang Pilipino bilang isang malaking voodoo doll.

CBoard_4
Concept Board # 4 

 

Respeto (Entry #7)

“Love can change the world any moment but what do I know?” (What do I know? by Ed Sheeran)

Setyembre 19,  2017

Sa halos tatlong taon ko rito sa UP,  ngayon lang ako nakapasok at nakapanood ng pelikula sa loob ng Cine Adarna. Ako kasi yung tipo ng tao na nasasayangan sa perang ginagastos kapag nanonood ng sine kaya’t kadalasan hinihintay ko na lamang itong magkaroon ng downloadable link sa internet.

6:30 ng gabi at hindi ko alam kung bakit sumama ako sa aking roommate nang mag-aya siya na manood daw kami ng isang indie film na ipapalabas sa Cine Adarna. Dapat ganitong oras ay nasa dorm na ako para gawin ang mga dapat kong gawin pero … ewan ko, basta sumama na lang ako.

Pagdating sa lugar, ang daming tao at ang ingay. Sa may kalsada pa lamag ay rinig ko na ang malakas na tugtog at tila may nagfi-fliptop. Oo, fliptop. Yung nauso dati pa kung saan may dalawang rapper na nagsasagutan.

Hindi ko na inabala ang sarili ko na tingnan kung sino ba yung mga nagrarap. Hindi ko naman kasi hilig ang ganong mga bagay. Buti sana kung kanta, okay lang pakikinggan ko pa. Kaya, dumiretso na lang kami ng roommate ko sa ticket booth at bumili na ng ticket.

Sabi 7pm ang palabas, pero halos 8pm na nung nagsimula. Ang dami pa kasing hinintay. Ang dami ko rin tuloy nagastos kakabili ng pagkain.

Teka, ano ba itong pinanood namin? Respeto. Oo, Respeto ang titulo. Pinalabas na pala ito sa Cinemalaya dati at marami siyang nakahakot na awards.

Mula http://www.cinemalaya.org/films/full-length/respeto

Ang pelikula ay patungkol sa isang nag-aasam na maging isang sikat na rapper na nagngangalang Hendrix at sa isang matandang doktor at dating manunulat noong panahon ng Martial Law na si Doc. Isiniwalat nito ang naging karanasan ng mga lumaban sa panahon ng Batas Militar at sa kung anong nangyayari sa Pilipinas ngayon sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang pangulo.

Natutunan ko rito kung anong mga karahasan, kahirapan, at kawalan ng hustisya ang tunay nga namang nararanasan ng Pilipinas ngayon. Ani ng direktor, nais niyang maging isang wake up call ito para sa ating mamamayan. Kailangan nating lumaban at kumilos para sa ating karapatang pantao.

Matapos ang pelikula, lalo akong nabuhayan upang ipagpatuloy ang konsepto ko para sa aking capsule collection. Gaya niya, gusto ko rin maramdaman ng mga taong makakakita ng aking koleksyon, ang aking naramdaman sa pelikula. Naing epektibo ang direktor sa pagpapahayag ng kanyang nais. Ganito rin ang gusto kong mangyari. Gusto kong maging epektibo sa pagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa sa pamamagitan ng aking mga disenyo at magsilbi rin itong wake up call upang tayo’y sama-samang kumilos at labanan ang pasistang gobyerno na siyang umaalipin sa atin ngayon!

Easyhan mo lang, Allysa (Entry # 6)

Alam kong nagkukulang ako pero hindi ko makita saan dapat simulan ang punan sa mga pagkukulang na ito?
Mula unang plate, wala pa akong grade na tumaas ng 75. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoong mga marka ang aking nakukuha. Marami pa akong dapat malaman, mga dapat matutunan. Sa kabila nito, hindi ko alam paano magsisimula. Oo, ang mga gradong ito ang nagsisilbing inspirasyon para sa akin upang lalong mapagbuti ang mga susunod na gawain pero pakiramdam ko pa rin ay may kulang na sangkap upang makumpleto ang recipe.
Ngayong linggo, mayroon muling mga kailangang ipasa. Kinakabahan ako na baka hindi ko na naman maipahayag ang aking ideya ngunit sa paggawa lagi ko na lamang aalahanin ang ipinayo ni Mam Kitty na “Isa-isa lang. Huwag masyadong maraming ideya.”

Sa pagpapanumbalik ng tinig (Entry # 5)

Bata pa lang, tinuruan na ako ng mga magulang ko na huwag makipag-away. Bata pa lang, itinanim na nila sa akin na hindi dapat ako nakikisali sa anumang gulo, o sa anumang diskurso lalo na’t kung patungkol ito sa politika o relihiyon.

Kilala man ako ng aking mga kaibigan, o mga kamag-anak, at magulang bilang isang taong masayahin, madaldal, at straightforward (ayon sa ilan) ngunit ang totoo niyan, mas marami pa akong nais sabihin ngunit pinili na lamang ibaon at limutin.

Naalala ko ang mga  pangungusap na sinabi ng aking mga magulang nang malaman namin na nakapasa ako sa UP.

“Anak, huwag kang sasali sa kahit anong sorority ah.”

Baka naman kapag nag-UP ka na maging aktibista ka rin.”

“Ayoko makita o mabalitaan na sumasama ka sa mga rally.”

Ilan lamang ito sa mga sinabi nila na magpahanggang ngayon ay aking taimtim na sinusunod. Alam ko naman kung bakit nila ito ibinilin sa akin.

Pero ano nga ba ang punto ko sa repleksyon kong ito?

Dahilan sa mga ito, naging tahimik ako hinggil sa aking mga opinyon lalo na sa mga usaping politikal. Ninanais ko man lumahok sa mga EDs ay hindi ko magawa sapagkat sa tuwing magpaplano akong gawin ito, naririnig ko ang boses ng aking mga magulang.

Naintindihan ko naman na hindi porket dumalo sa isang ED ay aktibista na agad o kung ano pa man ngunit mas nananig kasi ang takot ko sa aking mga magulang at sa aking sarili. Natatakot ako na hindi ko mapigilan ang aking sarili na bitawan ang mga pangako ko sa kanila at sumunod sa pakikipagbagbaka para sa ating pinaglalaban. Natatakot ako na baka dumating ang panahon na ito pa ang magdulot ng mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin.

Sa paglipas ng panahon ng pamamalagi ko rito sa unibersidad, hindi man ako dumadalo ng mga ED o kahit anong diskusyon hinggil sa mga isyu ng lipunan, ni hindi na nga ako nakapapanood ng mga pangayayari sa telebisyon. Salamat sa mga makabagong teknolohiya ay unti-unting namulat ako sa kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa sa ilalim ng pamumuno ng gobyerno  ni Duterte.

Nakalulungkot isipin na marami sa atin ngayon ang hindi nabibigyan ng hustisya dahil sa Oplan Tokhang na inilunsad ng Pangulo. Higit pa rito, mas nakalulungkot isipin na mayroon mismo sa aming tahanan ang pabor sa operasyong ito. Mayroon pang mga Marcos apologist.

Gustuhin ko man makipagtalastasan sa kanila at ipunto ang mga nais kong ipunto, hindi ko magawa sapakat wala akong boses sa aming tahanan. Kung subukan ko man, hindi nila ako pakikinggan bagkus ito pa ang pinagsisimulan ng aming mga pag-aaway kung kaya’t pinipili ko na lamang na huwag magsalita. Ngayon, bilang isang mag-aaral sa CT, gusto kong gamitin ang kursong ito bilang aking tinig.

Sa konsultasyon na aking ginawa kay Bb. Kitty, isinambit ko na gusto kong gumawa ng patungkol sa metamorphosis. Marami na ang gumamit ng konseptong ito kung kaya’t iminungkahi niya na mag-isip ako ng paraan upang maiba.

Mula matapos ang klase magpahanggang sa isulat ko ito ay aking inisip anong atake ang aking nais. Napagdesisyunan kong ito ang gusto ko. Nais kong ilahad ang bigong transpormasyon ng ating bansa. Gusto kong maipakita kung anong naging resulta ng mga pangako ng ating pamahalaan. Pagbabago ang ipinangako ngunit bakit tila isang lipunang puno ng kapansanan ang idinulot? Bulag na sistema ng hustisya, mga Pilipinong tinanggalan ng kakayahang magsalita, binging pamahalaan, mga due process na hindi nakauusad.

Dahilan sa mga ito, nais kong maging isa sa mga boses ng kabataan at magkaroon ng sarili kong pahayag hinggil sa mga talamak na karahasan na dinadanas ng marami sa atin ngayon. Kahit sa ganitong paraan man lamang ay magawa kong maipakita ang aking pakikipagkaisa laban sa mga hindi makataong pagtrato ng ating pamahalaan sa mga nasa mababang sektor ng lipunan.

 

Truth, Honor, and Excellence (Entry # 4)

I have always believed that no two men can have the exactly same interpretation of one thing. I know that there will always be difference even in the tiniest detail that would make their ideas vary from each other.

Same goes to interpretation of colors. We were taught last Tuesday about the psychological effects of colors and how they vary depending on the culture or on the perception of one group. Below is a list of colors each having different meanings per culture.

Image result for color meanings in different cultures
Retrieved from https://coloursandmaterials.wordpress.com/2014/11/07/colour-and-cultural-design-considerations/

For me, having variations in ideas are actually nice. Such contrasts open discussions and exchange of knowledge. However, these may also cause troubles if not handled very well.

I would like to share what happened last Saturday while I was in Divisoria searching for fabrics to use in my next plate. T’was around 1 pm when it happened. I was inside 168 mall then all of a sudden a bunch of people started running towards my direction (Imagine how hard to move inside 168 because of the the small pathways). I kind of froze at the moment but luckily I was able to move myself to the other side just before the people went towards me. It turns put there was a thief.  To be honest, it was my first time seeing such commotion. It was my first time seeing a real culprit right in front of me.

As the guards escort him to somewhere (maybe the administration office since they were to take the elevator?) I heard some titas talking about what the thief did. I heard he pick-pocketed an amount of 200php from someone. Then a random guy said it was 2000php.

These days, it is really hard to believe who tells the truth because of too much different information coming in. Versions over versions, deceptions over deceptions. Truths are covered with lies until they are all hidden beneath the ground.

With these inside my mind, I am scared for everything that may happen but at the same time more driven to strive for truth, honor, and excellence. I will give my best in order to show everyone that these attributes should and will always prevail even in the tiniest bit of thing.

A problematic world (Entry # 3)

MONDAY (August 21, 2017)

Today’s Ninoy Aquino Day. My family decided to go on a trip. We went on the road without finalizing where to go. They decided to fetch some of our relatives in Makati then just decide where to REALLY GO after that.  We went to SnR first then as we fnished buying some food, they finally came up with a place! Thank God! But to my surprise, they decided to go to Hinulugang Taktak in Antipolo just because they felt like it! I was kind of shocked since today I chose to wear a leather boots *I crie*. Anyways, the trip to the falls was okay although it was raining that’s why the road is a bit muddy.

I expected that the place wouldn’t be that really nice. It thought it would be messy and all but to my surprise, it is actually a clean place. It has swimming pool, clean washrooms (which i actually liked about the place), and also lots of cottages to choose from. The only thing that is not really pleasant to look at is the falls itself.

I didn’t take pictures since it was raining and I get sick easily because of rain. Going back, at the bottom of the falls, there are so many plastics floating and the surroundings of the falls have a faintly foul smell maybe due to the garbage in the water.

Actually this kind of setting is not unusual anymore. We have so many beautiful places to visit here in our country but many of them are put to nothing because of the misbehavior that us, humans do. I believe in order for us to risen from being a third-world country, we should always, ALWAYS, do everything with love and discipline.

TUESDAY (August 22, 2017)

Classes were suspended! Yay! But at the same time nanghinayang ako sa oras since sana umuwi na lang pala ako sa amin instead of going back to dorm right after we went to Antpolo 😦 I always miss my family especially when I don’t have things to do. Doing nothing make me think of them more 😦 In this world, most of the time, we have to leave important someone we love in order to reach our goals. Although leaving them will make us in pain but this pain is what will make us stronger, their love will make us feel better and I always remind myself that by the end of the week, I will get to see them, be with them, and share everything that I learned from living independently.

WEDNESDAY (August 23, 2017)

Wednesdays and fridays are my GEs days. Today,  I want to share what we discussed in STS. We watched five short videos about everything that is happening around us, one of which is about the people taking selfies. As part of the “millenial” age group, I must say I know quite a lot who takes selfies almost everywhere they go. I know someone that poses like atleast 10 selfies per week in her SNS. To be honest, sometimes I don’t really get why people post lots of pictures of their faces on social media sites.

According to the video, “Selfies have become a way to narrate our own existence. We post them on social media and frantically hit ‘refresh’ to see who liked it – desperately seeking validation”. I believe this is the essence of everything  (joke!). I think this is the very reason why this world is problematic. We tend to seek validation and base our existence from the number of likes we get after posting a picture of ourselves. A very prominent example is that if a girl/boy who receives atleast 100 likes in a single picture means she’s very pretty and famous or if she/he posts a picture with her/his partner means they are #relationshipgoals.

Because of the pictures we see on the internet, we tend to conform our standards in order to be “in” with the society then when we fell like we don’t belong in any group or when we feel like no one wants to be with us, we tend to think that we don’t exist, that we wish we didn’t exist in the first place. And that is exactly what is wrong. We failed to see that the only validation that we need is the validation from our own self. We shouldn’t let anyone define our existence. Only our self could define it. Let us learn to love our own body, our own existence AND I WANT TO LEARN ALL ABOUT IT .

THURSDAY (August 24, 2017)

“The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen onboard. We can live with that-—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem-—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on-—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: There are more than 130,000 Filipina maids working as HK$3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.” – Chip Tsao. The War at Home. March 27,2009. HK Magazine

Sir Lagmay discussed this at the latter part of the lecture this morning. Racism is very prominent in this world. One race belittles the other and it goes on. This has been passed from generation to generation. I can’t help but to think WHY IS THE WORLD SO CRUEL? I know Chinese has always been this egocentric ever since their history started but duh?? It’s already 2017?? I know we could do something about this if we stop being just a CHATTY KATHY *ahem government ahem* and face OUR REAL PROBLEMS. The problem with our government is that PURO LANG SILA SALITA, PURO PANAKOT, PURO FAKE NEWS, PURO EJK, PURO DROGA!

I don’t hate the Philippines. I will never hate my country. I just strongly dislike the system that chains our homeland. And this is one of the reasons why, everyone should exercise our freedom of speech, use our voice to break those chains and set ourselves free from the rotten system that the government is giving us!

FRIDAY (August 25, 2017)

IT’S MY FATHER’S BIRTHDAY TODAY! ❤ So I decided to go home right after my last class. Unfortunately, I forgot my umbrella at my dorm and I only have my jacket to shield me from the heavy rain. It was kind of difficult going home at 4 in the afternoon with a heavy rain and a heavy backpack. I had to wait in front of DBP but thank God, I was able to ride a FX after a very long wait. While inside the FX, the thought of UBER issue came up to my mind. Philippines has a very f*cked up transport system. Now, with this issue, it it just showed how greedy the government is. Just recently, LTFRB said that UBER should pay in order to lift their suspension.

I’m a user of the application and I must say it really eases the burden of commuting from one place to another unlike when waiting for a taxi cab na kapag minalas ka pa, you could get a very picky or a very masungit driver.

I really think that instead of minding UBER’s business, LTFRB should focus on more important matters such as the heavy traffic flow in EDSA, the congested roads that we have, their f*cked up decision to phase out lots of jeeps just because their too old and the drivers couldn’t afford those very pricey new units of jeeps, and a lot more.

Why do we have this kind of life? … this kind of world?