Sa pagtatapos … (Entry # 16)

Kaba, iyak, tuwa, pagod.

Isang tila mahabang biyah ng rollercoaster ang semestreng ito. Minsan nasa baba, minsan nasa taas. Minsan mabagal, minsan mabilis. Minsan diresto lang, minsan bauma-bali-baligtad.

Napakaraming nangyari sa loob ng anim na buwan. Mga bagong kaalaman at kasanayan ang aking natutunan. Nakakilala ng mga bagong kaibigan. Ngunit higit sa lahat ng mga ito, mas nakilala ko ang sarili ko.

Maraming salamat, Mam Kitty! Sa lahat nang pagpapayo, pagtitiyaga, sa hindi pagsuko sa amin. Marami mang pagkakataon na nadisappoint namin kayo, alam kong hindi nagbago ang pagnanais ko na matuto kami. Hindi ko na hahabaan sapagkat alam kong nasabi ko na ang lahat sa end-term paper at sa SET.

Hanggang sa muli, Mam Kitty!

Advertisements

Kapit lang! (Entry # 15)

Napakaraming nangyari, nangyayari, at mangyayari.

Dalawang linggo na lang ang natitira para sa semestreng ito at masasabi kong ang susunod na limang araw ang pinakakinakabahan ako. Deadlines dito, deadlines doon. Ang daming dapat tapusin. Ang daming dapat ipasa.

Sa totoo niyan, willing ako na mapagod. Okay lang sa akin na maistress. Sa lahat ng mga proyektong dapat kong ipasa ngayong linggo, lalo na sa CT 11, kaya kong sabihin ng taas noo na mayroon akong naiambag, marami akong effort na binigay. Pero natatakot ako. Paano kung mawalan ng kwenta lahat ng ginawa ko? Natatakot ako dahil ang pagbibigay grado ay by group/class. Grado ng isa, grado ng lahat. Paano kung hindi ko deserve ang makuha namin grade dahil lamang sa isang hindi ganoong nagbigay-laan ng oras? Paano kung lahat ng binigay ko ay kulang pa rin? Paano kung ito pa ang humatak sa akin pababa? Paano kung hindi namin makuha yung resulta na dapat namin makuha?

Gusto kong makabawi. Alam kong itong mga group at class projects ang makapagpapaangat o lang makapagpapababa sa aking grado. Oo, numero lang ang grado pero para sa akin ito ang katibayan ng aking pagsisikap, ng aking mga natutunan sa loob ng anim na buwan kong pag-aaral.

Marami akong natutunan sa lektura man o sa pag-uugali. Sa katunayan, itong semestreng ito ang masasabi kong pinakanagustuhan ko, pinakapakiramdam ko estudyante ako kasi dito ko lang naranasan na unti-unti umuunlad ako. Dito ko unang naramdaman yung “kompetisyon” sa sarili ko. Dito ko nakita yung okay lang sa akin mapagod kasi gusto ko yung ginagawa ko.

Kaya nagkakaganito ako ngayon. Hindi ako makatulog ng maayos. Kinakabahan ako sa mga mangyayari sa susunod na araw. Gusto ko nang matapos ang lahat. Pero sa ngayon, lalaban muna ako, kakapit pa ako.

Just things … (Entry # 14)

Last week, my groupmates and I had a chance to meet our client for the wardrobing project.

It was kind of nostalgic for me since I haven’t done interviews for years and I can’t believe that I actually missed it! I used to be a journalism student for six years (from Grade 5 to 4th year highschool) therefore I could say that I do quite know how to do interviews without a very very awkward atmosphere.

Talking to our client was actually fun! At first, we thought this interview would be like one question, one answer because she has this certain first impression that would make you think twice before you speak. We were wrong. She’s actually open to suggestions as long as (her favorite line throughout the  interview) “Basta kasya!”.

We were able to ask questions and get the information that we need to know in order to give her a successful wardrobe plan. Now, we are planning to give her a wardrobe that will make her look mature and bring out her inner potentials. We have flavors of coffee as our concept even though she doesn’t like coffee, at all. We thought, it’s actually a good thing (that she doesn’t drink one) because this will make our concept stronger. Coffee will represent her “new/improved” self that she didn’t know she has because she never looked into it.

Basically, that’s our plan for her.

Well, not to brag but our final concept was actually patterned from mine. To be honest, I was only able to think of coffee as a concept an hour before the class (sorry Mam haha) but I assure you, MIND MAPPING WAS D BOMB!  Lol but kidding aside, it really helped me to have the result that I need in order to give a perfect representation of our client’s needs and wants.

I’m looking forward to see the progress of our wardrobe project for our client (since this is also the first time that I’ll do one for others because I don’t even do one for myself ).

 

#ADULTING101 (Entry # 13)

10,000php for a 7-day wardobe.

Upon hearing our assignment, I thought “Madali lang ito since 10,000 naman budget. Malaki na yun.” But man, I was wrong.

When I was choosing clothes for the client, I find it really hard to stick with the budget. I don’t know if the items there were just expensive OR I don’t know how to budget at all when it comes to shopping.

I’m not a shopaholic tho. It’s just that when it comes to buying stuff, I have a difficulty in prioritizing what to buy. IT TAKES SO MUCH TIME FOR ME TO CHOOSE ONE ITEM. Actually, it took me two days to finish the wardrobe collection.

In addition, as I was doing the homework, I realized HOW TO ADULT WHEN IT COMES TO BUDGETS?!?! It’s so hard. I admit I’m dorming for about a year already but I’m only 35% good at it. I get distracted easily. I buy things impulsively because I just can’t resist doing so 😭.

Also, I noticed that one of the reasons why it took me two days to finish that homework is because I keep on not getting the look that I want for the client since I’m not used to mix and match a single set of clothes for a week. Now, these are just two of the maaannnyyy skills that I need to learn in order to live the sustainable fashion lifestyle.

I CAN DO THIS! Fighting!

 

 

 

Sa pagnanais at pagkamit (Entry # 12)

Lumaki ako kung saan sa tuwing umuuwi ang Mama ko galing trabaho, palagi siyang may bitbit na plastic ng mga damit. Oo, galing ukay-ukay. Dahilan sa mura ang mga mabibili doon, minsan hindi mapigil ni mama na bumili nang bumili. Tapos, naalala ko rin na isang gabi nagulat kami bakit ang laki ng bag na bitbit ni Mama. Punong puno ito ng mga damit na galing sa kanyang kaopisina. Sabi niya, hindi naman daw ito masyadong nagamit at napaglakihan na ng kanyng mga anak kaya ibinigay na lang sa amin. Nagpatuloy ang ganitong mga senaryo hanggang sa dumating ang panahon, na ang dami ko ng damit, ang dami na naming mga damit.

Minsan natanong ko kay Mama, “Ma, ang dami mo namang damit. Bakit hindi mo ipamigay yung iba?” Sabi niya, “Huwag muna. Masusuot ko pa iyan kapag pumayat na ako.”

Admit it or not, sinabi niyo rin iyan sa sarili ninyo. Maraming mga bagay na hindi natin kayang i-let go kasi sayang, baka magamit pa, may mga memories na nakakabit doon, etc.

Well, sa kaso ko naman, nagpapasalamat ako na may mga kapatid at pinsan akong kumbaga sa termino nating mga Pilipino, mga “tagapagmana”. Nakakatuwa nga na yung uniporme ko nung elementary ay nagawa pang isuot noon ng kapatid kong bunso. Gayundin ang uniporme ko nung highschool, nagawa pang maiparepair para masuot ng anak ng kaibigan ng papa ko.

Sa ganitong maliit na mga paraan, nagagawa nating maipractice ang pagkakaroon ng sustainable fashion. Malaking tulong ito ngayon lalo na’t kabi-kabila ang mga brands na nag-ooffer ng fast fashion dito sa ating bansa.

May napanood akong isang video sa facebook na patungkol sa isang couturier na dahil sa napagod o nagsawa na siya sa paggawa ng goowns, nagswitch siya sa paggawa ng shirts. Binuksan niya ang kanyang label na ZeroWasteDaniel o zwd. Ang maganda sa brand na ito, hindi sila gumagamit ng mga bagong fabrics. Kumukuha sila ng mga retaso o natirang mga fabrics mula sa factories at pinagtatagpi-tagpi ito hanggang sa makabuo ng panibagong damit.

ZWD_1 (595 of 1144).jpg
Mula sa http://www.zerowastedaniel.com

 

Bilang isang aspiring clothing technologist, ninanais ko rin magkaroon ng ambag sa pagpapalaganap ng sustainable fashion dito sa ating bansa sapagkat mahalaga na ang bawat isang mamamayan ay magkaroon  ng kaalaman ukol dito. Ipinapangako ko na gagamitin ko ang lahat ng kaalaman at kasanayan na aking natutunan at matututunan upang makamit ang mithiiin kong ito. Alam kong hindi magiging madali, pero snaniniwala ako na “Mas mahirap makamtin, mas worth it”.

 

Sa panibagong pagsubok (Entry # 11)

Mama.
Nanay.
Mommy.
Ina.
Mother.

Ito ang ilan sa mga katawagan natin para sa pinakaimportanteng babae sa ating buhay. Siya, na pinakaunang naghirap at nagsakit sa atin magmula ng tayo ay ipinanganak sa mundong ito. Siya, kasama ang ating ama, na handang makipaglaban sa sinoman na nanakit sa kanyang mga anak. Siya, na mahal ko.

Noong nakaraang linggo, para sa aming #OOTD, nabigay sa aking role para iportay
ay Mother. Pinaulit ko pa talaga kung ito nga ang aking nakuha para lamang masigurado. Oo, mother nga. Kailangan ko magdamit bilang isang ina.

Habang ako ay bumabiyahe pauwi, iniisip ko na agad paano ko epektibong maikokomunika ang katauhang ito ng hindi sinasabi kung ano nga ba ang naassign sa akin? Inalala ko lahat ng mga pinanood kong pelikula at teleserye na aking pinanood. Maging ang mga nakaraang role plays na aking ginawa o nasaksihan.

Isang komon na factor sa kanila ay ina bilang isang taong maybahay na laging pagod, nakapusod na magulo, malaking tshirt o duster. Ganito ang stereotype natin sa kanila.

Pero kung iintindihing malalim, bakit ganito ang kadalasang pagsasadula sa kanila? Bakit hindi sila ipakita bilang isang empowered na babae? Dahil sa mahirap ang Pilipinas kaya gayon? Dahil mababa ang tingin ng karamihan sa kababaihan? O dahil wala nang pumapansin sa kung ano ang kailangan nila?

Hindi ko man nagawang pumasok sa klase upang maipakita sana ang sarili kong interpretasyon, ngunit ilalahad ko na lamang dito.

Sa huli, napagpasyahan ko na magsuot dapat ng damit ng mama ko na pang-opisina. Blouse na pink at slacks na itim. Kabaligtaran ng karaniwang ipinapalabas sa telebisyon.

Ngayon ko napagtanto na tama nga ng sinabi sa research paper na naassign sa amin dalawang linggo na ang nakakaraan. Ang mga clothing needs ng nasa henerasyong baby boomers ay hindi nabibigyang-pansin sa kasalukuyang panahon kaya siguro ito rin ang dahilan kung bakit ang mga ama’t ina ay kadalasang napoportray sa pamamagitan ng “pangmatatandang” kasuotan.

Kaya ngayon unti-unti kong binubuksan ang aking sarili sa panibagong pagsubok, at ito ang magdesign o lumikha ng mga damit na para sa kanilang henerasyon. Sana sa pagdaan ng mga semestre at panahon, magawa kong mahanap ang solusyon para sa suliraning ito.